Filipino Poetry: Kathang Isip
Kathang Isip
Kanina pa madilim ngunit maliwanag pa rin ang ningning sa'yong mga mata. Animo'y mga talang nagsibaba mula langit na naglayong sa akin ay magpangiti. Heto nga at nagtatagumpay na sila. Mga talang naglalaro sa mukha ng napakagandang luna na ngayo'y nasa aking harapan. Ang madilim na palibot ay kanyang buhok kung saan may mga munting bituing nagpapadulas at nagbibigay kislap sa kalawakan na aking paningin. Isang sandaling nagpatalon sa aking mga iris at nagpasabog sa akin mga pupil. Isang magandang obra na ipininta sa kalangitan, nasasalamin ngayon sa pagtama ng liwanang ng mga ilaw sa ibabaw ng tinititigang kape.
Eto ay isang prosang naisulat nang matagal na. Sa isang papel na nilitratuhan at nakita ko laman sa aking Facebook. Sana'y nagustuhan ninyo ang pagkakasulat, kahit pa maikli lang. Ipagpaumanhin ang aking sulat kamay na hindi gaanong kaaya-aya. Haha. Salamat sa pagbisita sa pahina ko!
Note: This post is written in Filipino. I cannot translate this in English since it's supposed to be poetic. Thank you for understanding and for visiting my blog!

)
)
)
